Get Adobe Flash player

Search

AIT Calendar

November 2017
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 1 2

AIT: ATIN ITONG TAGUMPAY

[mula kay Sette Bañez]

Mga Natatanging Mag-Aaral atbp

Bilang pagdiriwang ng ika-37 anibersaryo ng Linangan ng Turismo sa Asya (Asian Institute of Tourism), inihandog ng klaseng Tour 126 (Mice Management) ang kauna-unahang Gawad AIT: Parangal sa mga Natatanging Mag-aaral, Guro at Kawani noong nakaraang ika-27 ng Pebrero ng kasalukuyang taon.  Ito ay pinangunahan ng kagalang-galang na dekana na si Dr. Miguela Mena at sa tulong nina Propesor Reil Cruz (ang punong-abala ng nasabing pagdaraos), Dr. Edieser dela Santa, Propesor Richard Gonzalo at Bb. Mary Fchel Estanislao.

Ang 37 taon sa larangan ng turismo ay isang malaking tagumpay ng Instituto na hindi magiging posible kung wala ang mga karangalang hatid ng mga mag-aaral, mga guro at mga kawani nito.  Ang Gawad AIT ang nagsilbing instrumento para tugunan ang pagkakataong mabigyang parangal ang:

  • mga iskolar ng kolehiyo,
  • lider ng taon na si Matt Alcanzaren,
  • pinakamahusay na organisasyon sa AIT, ang UP Travel Society,
  • mga atletang nagbigay karangalan sa loob at labas ng bansa,
  • mga mag-aaral na boluntaryong tumulong sa botohan sa University Student Council na sina Michael Madriaga at Nicole Nieto at
  • mga kinatawan ng Instituto sa ilang akademikong gawain sa labas ng bansa na sina Laargie Hadlocon at Aura Carbonilla.

Laargie and Aura


Hindi lamang ang mga mag-aaral, maging ang mga guro ay nakatanggap ng mga parangal gaya ng:

  • TOYM Awardee na si Propesor Ivan Henares,
  • Loyalty Awardee na si Propesor Evangeline Ortiz,
  • Students’ Choice na si Propesor Reil Cruz,
  • Best in Teaching Method na si Propesor Maricel Badilla,
  • Gawad sa Pinakamaraming Naisagawang Pananaliksik na sina Propesor Edieser dela Santa at Dr. Miguela Mena,
  • Gawad sa Natatanging Guro sa Serbisyo Publiko na si Propesor Richard Gonzalo
  • at ang may pinakamatataas na grado sa Student Evaluation for Teachers (SET) na sina Propesor Maricel Badilla at Propesor Bienvenido Claravall.

Hindi nagtatapos ang parangal sa mga mag-aaral at guro, ang mga kawani ay nagkaloob din ng mga parangal bunga ng kanilang walang humpay na pagbibigay ng serbisyo.  Ang ilan sa kanila ay nakatanggap ng:

  • Students’ Choice na si Reynaldo Castro,
  • Loyalty Awardee na sina Nenita Arzadon at Zito Ochoa,
  • Gawad bilang Natatanging REP na si Nenita Arzadon
  • at Gawad sa Nagtamo ng Pinakamatataas sa Performance Rating na sina Saturnina Domingo at Luciana Cruz.

Gawad AIT

 

Bilang karagdagan sa kasiyahan ay nagkaroon din ng mga parangal na sadyang katuwaan lamang.  Ang mga resulta nito ay base sa sarbey na pinasagutan sa mahigit 200 na mag-aaral.  Mayroong Sleeping Beauty Awardee (Razelle Ricablanca), Better Late than Never Award (Anna dela Rosa), Freedom of Speech Award (Charmaine Octiva), Crush ng Bayan (Anne Belen), AITistahin Award (Aimee Co), Mr. Nice Guy (Charlo Tengco), Haggardo Versoza Award (Paulo Sotto) at Lakan ng Hallway Award (Carl Reyes) para sa mga mag-aaral.  Sa mga guro naman ay Daddy Material (Propesor Reil Cruz), Early Bird Award (Propesor Emma Lopez), Fashionista Award (Propesor Noreen Gonzaga) at Mr. Social Networking Site (Propesor Ivan Henares).

Naging bahagi rin ng Gawad AIT ang isang makapigil-hiningang sayaw ng UP Filipiniana Dance Group at mga awiting pag-ibig nina Eenna delos Reyes ng UP Concert Chorus at Harrison Bautista ng UP Club Ecotour.

Filipiniana Dancers

Maligayang ika-37 pagdiriwang ng anibersaryo, AIT!

This content has been locked. You can no longer post any comment.